Monday, September 13, 2010

Glenn Cañones, kumpirmadong miyembro ng PCDSI-Matina Branch

(UPDATE) – Nakakuha na ng impormasyon ang JMK-DANN News mula sa Personal Collection Direct Selling Inc. Matina Branch sa Lungsod ng Dabaw.

Ayon kay “Donna”, branch operations manager ng PCDSI-Matina Branch, hindi magkamaling na-check sa database record nang aming tinanong tungkol sa JMK-DANN talent at Studio Gwapings Davao staff na si Glenn Cañones.

Kumpirmado at tumugma ang impormasyon na si Glenn nga ay opisyal nang nagparehistro sa PCDSI-Matina Branch.

Napag-alaman na ang ina ng off-cam talent Hazel Flores mismo ang nag-recruit sa kanya para maging member ng PCDSI.

Ikinagulat ng JMK-DANN News team ang balitang ito, pero ito’y totoo, ayon kay “Donna”.

Patuloy na nakatutok ang JMK-DANN News team sa pangyayaring ito.

Dagdag pa rito, kailangan niyang i-alok ang mga produkto sa mga kaibigan n’ya para siya’y kumita ng malaki at mabayaran n’ya ang mga produkto ng PCDSI pero sa ngayon ay hindi pa handang mag-recruit ng limang kaibigan o kabarkada dahil abala pa ito sa mga gawaing pambahay. (mula sa JMK-DANN Official Talent Update Blog)