Tuesday, August 9, 2011

Mario Maurer is willing to do a movie in the Philippines


Pumunta ang The Buzz sa Thailand nitong nakaraang linggo at pinalad makasilip sa isang clothing pictorial ng Thai teen heartthrob na si Mario Maurer.

Nagkaroon ng chance ang TV program na ma-interview ang binata na sikat na sikat ngayon sa bansa.

Minahal ng mga Pinoy si Mario dahil sa Thai movie na Crazy Little Thing Called Love at marami ang nahumaling sa dugong Chinese-German actor.

Dagdag pa niya, malaking oportunidad daw kung makagagawa siya ng pelikula sa bansa.

“I never expected I’d get famous in (the) Philippines nor in China or in Taiwan,” simula niya. Bukas din siya na makapareha ng isang Pinay actress.

Ang libangan daw niya ay pagkolekta ng mga vintage car models.

“And I collect many books about cars,” dagdag pa niya.

Sinabi pa niya na mayroon nga raw siyang maliit na model ng Philippine jeep at itinatago niya ito sa isang cabinet niya sa bahay.

Kapag may libreng oras, ang pinagkakaabalahan daw niya, “I usually go skate-boarding (or) go to the gym and lift weights with my friends.”

Meron din daw siyang simpleng pangarap.

“I just wanna build a house with a little bit of space and I want to make a garage and next to the garage I want to make a skateboard park. I want to wake up in the garage and walk a little bit and I have my skateboard park.”

Sa tipo naman niyang babae, paglalarawan ni Mario, “I like (a) sweet girl, kinda happy girl, funny girl. I like girls who dress up nice.”

Sinabi pa sa report ng The Buzz kahapon na pinaplano ngayon ng Star Cinema na kunin si Mario para makagawa ng movie sa bansa.

“If I have a chance to do a movie in the Philippines (it) would be very great,” anang aktor.

Sinabi rin ni Mario na bibisita siya sa bansa para sa endorsement ng isang clothing brand. (Bernie Franco, Push.com.ph)

Kim Chiu reveals she has new suitors


Sa report ng The Buzz ay inamin ng aktres na si Kim Chiu na may mga lalaking nanliligaw sa kanya, pero tumanggi ang dalaga na idetalye ito.

“Nahiya naman ako. Sasabihin ko nililigawan ako nito tapos hindi naman pala,” pagbibiro ng aktres na bida sa upcoming teleserye na My Binondo Girl.

Nang tanungin kung ano ang reaksyon niya sa mga bago niyang manliligaw, ang nahihiyang tugon ni Kim, “Andyan lang naman (sila) and thank you dahil wala lang... ganyan lang,” sabay tawa niya.

Samantala, sunod-sunod naman ang achievements na natatamo ni Kim. Natapos na ang dream house ng aktres na walang dudang mamahalin.

Bukod pa rito ay nakapagtapos na siya ng high school.

At isa na rin siya sa ikinokonsiderang top endorsers sa bansa ngayon.

Sinabi rin ni Kim na balak niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Pero hindi pa niya alam kung kailan pero ang gusto raw niyang kurso ay may kinalaman sa business.

“ ‘Di ka naman forever nasa showbiz, nasa limelight. Gusto ko ‘yung pera ko may pinupuntahan, umiikot and kumikita.”

Masaya rin si Kim dahil pumunta pa sila ng Hong Kong para dun i-shoot ang ilang eksena ng kanyang upcoming teleserye.

First time kasi niyang magti-taping sa ibang bansa.

“Masaya and excited kasi bagong experience for me. Hindi naman lahat ng show ng ABS-CBN magsi-shoot sa ibang basa, so nagpapasalamat and thankful (na) nabigyan ako ng ganitong chance.” (Bernie Franco, Push.com.ph)

Shaina on alleged split with John Lloyd: ‘Maligaya kami so hindi na namin kailangan magsalita’


Despite their efforts to shrug-off rumors, issues still hound John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao’s relationship.

There are new speculations that the couple got engaged and the actor’s proposal happened during their European vacation last month.

John Lloyd allegedly gave Shaina a ring.

“Hindi…hindi naman dapat itinatago kung binigyan ka. Pero hindi talaga,” Shaina denies.

But on the other hand, some reports say that John Lloyd and Shaina are not in good terms now.

“Alam ninyo kung lahat ng binibintang sa amin sasagutin namin---Para saan at para kanino? Alam namin totoo. Bayaan na lang natin dun sila masaya. Masaya silang namimintas so ibigay na natin kaligayhan nila. Maligaya kami so hindi na namin kailangan magsalita.”

Shaina went on by saying, “Kung hindi kami tinitira, hindi kami titibay ng ganito. Nagpapasalamat kami kasi isa sila sa mga trials namin.”

Meanwhile, Shaina tells Push.com.ph how proud she is that John Lloyd is hailed as the Most Beautiful Star of 2011 by a showbiz magazine.

“Agree naman ako dun. Oo naman. I’m very proud of him kasi siya ang kauna unahang lalaki natawag na most beautiful.” (Fionna Acaba, Push.com.ph)

Karylle hopes to have more projects outside the country


Dumating kamakailan sa bansa si Karylle after spending two months sa Singapore para mag-taping ng musical TV series na Kitchen Musical kung saan kasama niya si Christian Bautista.

Pero lilipad pabalik sa Singapore ang singer-actress sa Singapore ngayong araw, August 9, para ituloy ang taping until the end of September.

Hindi nga raw niya napapanood madalas ang mga episodes dahil sobrang demanding ng schedule para sa show pero nakakarinig siya ng magagandang feedback.

“Nakausap ko si Christian, sabi niya ang ganda, so sobrang na-excite (ako) tapos nawala ang lahat ng kaba ko. Kasi wala kaming idea kung ano ang hitsura ng finished product. Talagang secret nila hangga’t ‘di nila nalalagay lahat ng kanta, special effects or whatever,” kwento ni Karylle.

Nang matanong siya sa kung ano ang plano niya sa kanyang international career, sinabi ni Karylle na pagkatapos ng Kitchen Musical ay magiging open pa rin siya sa mga international offers.

“Itong show na ito hopefully after this magkaroon ng iba pang offers, kung sa theater naman, ‘pag dumating na lang kasi lagi namang may auditions, gaya nito nag-audition ako for this.”

Hindi rin siya nangangamba para sa kanyang career sa Pilipinas dahil sa tulong ng technology ay pwede pa rin daw siyang maging in touch with her fans.

“Actually everyone is interactive, everyone is on Twitter. Nagsusulat na lang ako, nagba-blog din ako once in a while. Gumagawa rin ako ng mga video ganyan.”

Best friends daw sila ni Christian sa TV show. Masaya rin niyang ibinalita na marunong nang sumayaw ngayon si Christian dahil required ito sa kanya.

“Isa na po siyang ganap na dancer. ‘Yung choreographer namin don is from Australia. Nung huli naming dance number talagang napatingin ako na dancer na talaga itong si Christian.” Araw-araw nga raw silang magkakasama doon.

Sa October daw ay ipapalabas ang pilot episode sa ABS-CBN at ang mga susunod na episodes naman ay ipapalabas sa Studio 23 at sa AXN cable channel.

Kung si Christian daw ay natutong sumayaw, ang kay Karylle naman, “Ngayon marunong na akong magluto. Dati pa-bake-bake lang ako nai-intimidate talaga akong magluto kasi di ba parang ang perfect ng cook sa mga TV parang konting ganyan lang, magic. Tapos ngayon ako kaya ko na rin magluto.” (Bernie Franco, Push.com.ph)

Empress admits she’s not ready to start dating yet


Empress said she is not in any hurry to get into a relationship despite reports trying to link her to her Guns and Roses co-star Ejay Falcon.

“Gentleman talaga siya and harmless. Okay naman siya sa mga ibang nakilala ko na nakasama ko at saka mga ibang friends ko. Si Ejay talaga may respeto siya sa mga babae. Tsaka minsan kapag tiningnan mo yung isang tao, maju-judge mo na siya kahit hindi mo siya kilala. Pero si Ejay pag nakilala mo talaga siya, kahit sandaling panahon pa lang, makukuha mo na kagad yung personality niya which is gentleman siya, may respeto siya sa mga babae at sa mga tao. Magalang naman siya so okay naman. Pinupuri nga siya ni mama kasi mabait naman daw siya,” she said.

Empress also admitted she finds it hard to believe rumors that her co-star is a playboy.

“Mukang hindi ko naman nakikita na babaero siya. Siguro pag-extend yung Guns and Roses makikita ko na babaero siya (laughs),” she joked.

The 18-year-old actress said that even though her parents accompany her to tapings for Guns and Roses, she does not consider them to be super strict with her.

Empress said Ejay already understands this about her.

“Hindi naman po kasi siyempre kung nanay ka tapos babae yung anak mo, siguro ganun din naman yung mararamdaman mo na lalo na artista laging wala tapos madaming nakakasama, nakakatakot talaga. So naintindihan ko naman yung pati si Tita Becky (Aguila, her co-manager) strikto talaga dahil sa mga nangyayari sa showbiz ngayon. Kaya naintindihan ko naman yun kaya siyempre sa sarili ko, gusto ko din alagaaan yung sarili ko na huwag muna talaga. Habang wala pa, wag munang ipilit. Malinaw naman yun, bago pa naman kami magkasama, malinaw na kay Ejay yun. Klaro na sa kanya yun,” she stressed.

The former Rosalka star also admitted that she knows she is not ready to start dating yet.

“Hindi pa rin ako ready talaga. At saka never pa ako nagsabi kay mama na parang may date ako ngayon or kaya may dalaw. So nahihiya ako magpaalam or magsabi. Hindi ko kasi alam kung ano yung reaction nila. Tsaka hindi rin ako kumportable kung kami lang. kasi kami ni mama, parang open kami, pero pagdating sa mga ganyang bagay, parang nahihiya talaga ako. So hindi ko alam kung paano ko gagawin. Okay lang kasi hindi ko naman focus yun at saka wala namang pagkakataon para mag-focus dun. Alam ata ng lahat ng Star Magic na strikto sila mama so bago pa nila ako i-text, alam talaga nila na parang, ‘Uy ‘wag mong ligawan yan kasi strikto yung parents nyan,’ parang ganyan. So may nagtra-try naman talaga, tinatanong nila kung totoo, sinasabi ko naman na oo totoo yun. So natatakot sila kagad (laughs). In fairness naman kasi kay Ejay, kilala na siya ni mama eh. So mas maganda talaga kung friends muna. Siguro gusto nila yung kilala talaga nila,” she said.

Empress said it’s still too soon to tell how she would react if Ejay decides to court her, but she admitted she enjoys his company while their on the set.

“Tingnan muna natin. Patagalin pa muna natin kasi parang ang ikli pa lang ng panahon eh. Siyempre dahan-dahan muna. Siguro mas maganda dahan-dahan muna kasi sayang naman yung hinintay kong ilang taon kung go lang ng go di ba? Sa kung nagpaparamdam man siya, di ba multo lang nagpaparamdam? (laughs). Hindi kasi kapag yung mga girls ang tinanong mo kung nagpaparamdam na ba yung lalake, hindi mo alam kaya dapat yung lalake yung magsasabi,” she said.

The talented young actress said there is a lot to look forward to in their scenes in Guns and Roses in the coming weeks.

“Medyo masungit talaga siya so medyo nagsusungit na rin ako pero yung mga ginagawa naming ngayon, tine-taping namin ngayon, makikita nila yung mga malaking mga pagbabago sa aming dalawa so more kilig factor yun para sa mga manunuod,” she added. (Rhea Manila Santos, Push.com.ph)

Kathryn Bernardo doesn't mind being compared to Julia Montes


After being catapulted to star status by their hit teleserye Mara Clara, Kathryn Bernardo and Julia Montes will clash once again, this time on the big screen via Star Cinema’s upcoming offering Way Back Home.

Those who got hooked on the rivalry between Kathryn and Julia’s characters in their TV series are in for a new treat in Way Back Home.

Kathryn shared, “Iba po itong movie, hindi tulad ng Mara Clara na maraming sampalan and sabunutan. Walang masyadong sakitan, more on the dialogue.”

Kathryn confessed that she is feeling the pressure to follow up the success of Mara Clara by making their launching movie a box office hit.

“Nararamdaman talaga namin ‘yung kaba kasi iba na ang pelikula. Sa TV isang click lang makakapanood na ang mga tao. Pero sa movie kailangan nang magbayad. Iba rin ang acting sa movie kaya mas challenging.”

In the movie, Kathryn will play Joanna who after years of living with amnesia comes home to her real family.

But the lost time has alienated Joanna from everyone, most especially to her elder sister Jessica, played by Julia.

Kathryn explained that she doesn’t mind being typecast playing goodie-oppressed roles on screen.

“Hindi ako natatakot na ma-typecast na api-apihan lagi. Pero sana mabigyan din ako ng chance na gumawa ng bago para maiba naman. Nasa management po ‘yun kung anong roles ang bagay sa akin.”

For her impressive acting talent, Kathryn is now being tagged as Judy Ann Santos’s successor.

But the teen actress said she prefers establishing her own name in the industry.

“Sobrang thankful kasi sobrang laking artista ni Ms. Juday. Malaking compliment na maikumpara sa kanya. Pero sabi na sa akin ni Ate Juday noon na ayaw naman niyang pati ‘yung pag-arte niya e gayahin ko. Gusto niya gumawa ako ng sarili kong name. Kaya ngayon happy siya sa nagiging takbo ng career ko.”

Both Kathryn and Julia are predicted to be on their way to superstardom.

That’s why aside from playing rivals onscreen, they are also being pitted against each other as to who is more talented and popular.

However, Kathryn said that despite the intrigues, she and Julia remain good friends.

“Hindi talaga maiiwasan ang comparison sa artista lalo na sa aming dalawa ni Julia. Pero alam namin pareho na hindi kami dapat magpaapekto. For as long as alam naming dalawa kung ano ang totoo friends pa rin kami. Kapag work, work lang. Wala namang personalan sa amin ni Julia. Effective si Julia kapag eksena kaya makaka-react ka talaga nang tama.” (Napoleon Quintos, Push.com.ph)