Friday, July 16, 2010

Charice Pempengco sa 'Glee'



Hinihintay ang mga tagahanga ni Charice Pempengco sa paglabas sa sikat na musical-comedy show na 'Glee'.

Gaganap si Charice bilang isang Pinay student na transferee sa isang university. Halos hindi makapag-antay si Charice sa gaganaping role kahit sa kalagitnaan ng mga concerts sa iba't-ibang lugar sa buong mundo.

Inaasahang lalabas si Charice sa 'Glee' sa takdang panahon.

Bagyong 'Basyang', nanalasa na



Hinagupit ng buong Luzon pati sa Metro Manila dahil sa bagyong Basyang.

Noong madaling araw sa ika-14 ng Hulyo, nanalasa na ang bagyong Basyang sa Quezon province, kasunod nito ay hinagupit rin ang Cavite, Laguna, Batangas, Metro Manila at iba pang lugar sa karatig-Luzon.

Halos hindi maka-connect sa internet, walang kuryente at naputulan ng linya sa telepono dahil nagkaroon ng brownout.

Nangangamba na baka maulit pa ang trahedya gaya noong Setyembre 26, 2009 nang hinagupit ng bagyong 'Ondoy' ang buong Luzon.

Halos 150-milyong Piso ang halaga ng napinsalang mga gamit at mga pananim. Matumal ang benta ng mga gulay dahil sa bagyong Basyang.

Sunday, July 11, 2010

Bagong programa sa JMK-DANN, ilalabas ngayong Agosto

Sa kalagitnaan ng mga pagbabagong-anyo ng mga programa sa JMK-DANN, hindi rin pahuhuli ang mga bagong pasabog sa mga susunod na araw.

Sa darating na Agosto, hindi pahuhuli ang katatawanang hatid at ang mga gaya-gayang eksena na nakikita nila sa telebisyon ay dadalhin na ito sa inyong mga tahanan o kung saan man kayo naroroon.

Mula sa tahanan ng pinaka-natatanging internet-based comedy show sa Mindanao na "Glenn-Joke", ang Studio Gwapings Davao para sa pinakabagong programang pang-kalokohan at katatawanan, ang "Bloop Box".

Sa darating na pilot episode ng "Bloop Box", makikita ninyo ang Jibjab spoof na ginawa ng Studio Gwapings Davao na pinangungunahan nina Glenn CaƱones, Ivy Purisima Momo, Jean Laseras at Melvin Acuyado.

Hindi biro ang gumawa ng sariling programang pang-kalokohan dahil dadaan muna ito sa prosesong pag-iisip ng mga episodes na dapat ipalabas sa tamang panahon pero sulit ito para sa gustong maghintay ng mga KaJoyfulness viewers sa buong mundo.

Abangan at pakatutukan ang "Bloop Box" ngayong Agosto sa JMK-DANN.