Sunday, July 11, 2010

Bagong programa sa JMK-DANN, ilalabas ngayong Agosto

Sa kalagitnaan ng mga pagbabagong-anyo ng mga programa sa JMK-DANN, hindi rin pahuhuli ang mga bagong pasabog sa mga susunod na araw.

Sa darating na Agosto, hindi pahuhuli ang katatawanang hatid at ang mga gaya-gayang eksena na nakikita nila sa telebisyon ay dadalhin na ito sa inyong mga tahanan o kung saan man kayo naroroon.

Mula sa tahanan ng pinaka-natatanging internet-based comedy show sa Mindanao na "Glenn-Joke", ang Studio Gwapings Davao para sa pinakabagong programang pang-kalokohan at katatawanan, ang "Bloop Box".

Sa darating na pilot episode ng "Bloop Box", makikita ninyo ang Jibjab spoof na ginawa ng Studio Gwapings Davao na pinangungunahan nina Glenn CaƱones, Ivy Purisima Momo, Jean Laseras at Melvin Acuyado.

Hindi biro ang gumawa ng sariling programang pang-kalokohan dahil dadaan muna ito sa prosesong pag-iisip ng mga episodes na dapat ipalabas sa tamang panahon pero sulit ito para sa gustong maghintay ng mga KaJoyfulness viewers sa buong mundo.

Abangan at pakatutukan ang "Bloop Box" ngayong Agosto sa JMK-DANN.