Friday, July 16, 2010

Bagyong 'Basyang', nanalasa na



Hinagupit ng buong Luzon pati sa Metro Manila dahil sa bagyong Basyang.

Noong madaling araw sa ika-14 ng Hulyo, nanalasa na ang bagyong Basyang sa Quezon province, kasunod nito ay hinagupit rin ang Cavite, Laguna, Batangas, Metro Manila at iba pang lugar sa karatig-Luzon.

Halos hindi maka-connect sa internet, walang kuryente at naputulan ng linya sa telepono dahil nagkaroon ng brownout.

Nangangamba na baka maulit pa ang trahedya gaya noong Setyembre 26, 2009 nang hinagupit ng bagyong 'Ondoy' ang buong Luzon.

Halos 150-milyong Piso ang halaga ng napinsalang mga gamit at mga pananim. Matumal ang benta ng mga gulay dahil sa bagyong Basyang.