Saturday, July 3, 2010

PBB Teen Big 6, bumisita sa E-Live

Matapos ang Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010: Unite at the Big Night noong Sabado (June 26), sina Big Winner Robert James Reid, 2nd Teen Big Placer Ryan Bang, 3rd Teen Big Placer Fretzie Joan Bercede, 4th Teen Big Placer Devon May Seron, 5th Teen Big Placer Ivan Anthony Dorschner at 6th Teen Big Placer Bret Alan Jackson II sa E-Live kanina (July 3).



Nauna sina Bret, Ivan at Devon na magpa-interview sa "Super Fans Day" segment nina Luis Manzano at Mariel Rodriguez ng E-Live.

Tinanong ng isang fan ni Bret na ngayo'y nasa outside world sila, papipiliin pa rin ni Bret si Fretzie kahit maraming mga girls ang gustong mapasakanya, at ang sagot ni Bret na si Fretzie pa rin ang kanyang makakasama.

Si Ivan naman, isang fan naman ang nagtanong kung magiging ka-loveteam niya si Mariel at ang sagot naman ni Ivan ay kung may pagkakataon.

At si Devon, may tanong din sa isa niyang fan na posible bang more than friends sina James at Devon at sagot ni Devon ay getting to know each other pa at friends pa silang dalawa ni James.



At nahuli sina Fretzie, Ryan at James para ma-interview.

Para kay Fretzie, may tanong ang isang fan na sinong papipiliin ni Fretzie, si Patrick, Ivan or Bret pero sagot ni Fretzie na silang tatlo ay friends lang.

Kay Ryan naman, nagtanong ng isang fan na kung gustong makatrabaho si Enchong Dee at ang sagot niya na gustong-gusto ng kanyang nanay na makatrabaho ni Ryan si Enchong.

At para kay James, nagtanong ng isang fan na kung na-turn off si James dahil maraming ayaw kay Tricia at ang sagot ni James ay hindi siya na-turn off dahil maraming housemate ang ayaw sa kanya pero na-turn off siya dahil sa sarili.

Inagurasyon sa Quirino Grandstand



Nanumpa na noong Hunyo 30, 2010 si President Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III sa Quirino Grandstand kasama si Justice Conchita Carpio-Morales.



Bago man si Aquino ay manumpa, pormal nang nanumpa si Vice-President Jejomar Binay kasama ang kanyang asawa para sa inauguration rites ng mga bagong halal.

Kasama sa inagurasyon ay ang mga pamilya ng mga bagong halal na sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, Kris Aquino, Shalani Soledad, Junjun Binay, dating pangulong Fidel Ramos, dating pangulong Joseph Estrada at iba pang mga espesyal na panauhin.

Bagamat napaaga ang inagurasyon at pagdating nina Aquino at Binay, dinaan muna ito sa mga kanta o mga song numbers na pinangungunahan nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Charice Pempengco, Apo Hiking Society, Christian Bautista, Noel Cabangon at iba pa.