Saturday, July 3, 2010

Inagurasyon sa Quirino Grandstand



Nanumpa na noong Hunyo 30, 2010 si President Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III sa Quirino Grandstand kasama si Justice Conchita Carpio-Morales.



Bago man si Aquino ay manumpa, pormal nang nanumpa si Vice-President Jejomar Binay kasama ang kanyang asawa para sa inauguration rites ng mga bagong halal.

Kasama sa inagurasyon ay ang mga pamilya ng mga bagong halal na sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, Kris Aquino, Shalani Soledad, Junjun Binay, dating pangulong Fidel Ramos, dating pangulong Joseph Estrada at iba pang mga espesyal na panauhin.

Bagamat napaaga ang inagurasyon at pagdating nina Aquino at Binay, dinaan muna ito sa mga kanta o mga song numbers na pinangungunahan nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Charice Pempengco, Apo Hiking Society, Christian Bautista, Noel Cabangon at iba pa.