Wednesday, July 7, 2010

Noynoy Aquino, na-late na naman



Si Presidente Noynoy Aquino ay late na naman hindi dahil sa paggamit ng 'wang-wang' sa kanyang sasakyan.

Ayon sa source ni Willard Cheng, isang reporter ng ABS-CBN: "Dahilan na naging late si P-Noy ay napuyat siya galing sa isang LP event kagabi (Hulyo 6)."

Noong mga nakaraang araw, na-late si P-Noy sa change-of-command event ng AFP dahil sa hindi paggamit ng 'wang-wang' at sumunod sa batas-trapiko. Sana, hindi na maulit ang eksena ni P-Noy na late siyang dumating sa mga pangyayari.

Asahan niya na maaga na siyang gumising para sa isang call sa Malakanyang sa mga susunod na araw.