Monday, January 31, 2011

Willie Revillame to John Estrada: "Magsolian na tayo ng kandila!"

Ipinahayag ni Willie Revillame ang sama ng loob niya sa kaibigan si John Estrada habang nagaganap ang Willing Willie nung Miyerkules, Jan. 26.

Nabalitaan kasi ni Willie ang pagtanggap ni John sa alok ng ABS-CBN na noontime show. Ani Willie, tinatrabaho na niya ang pagkakaroon ni John at ng isa pa niyang kaibigan na si Randy Santiago na magkaroon ang mga ito ng sariling noontime show sa Singko.

Masama ang loob ni Willie dahil nga sa kasalukuyang kaso niya sa korte laban sa ABS-CBN.

Nasabi tuloy ni Willie kay John: "Maghanap ka na ng ibang best man sa kasal mo!" at "Magsolian na tayo ng kandila."

Matapos makipag-usap kay John sa cellphone, hinarap ni Willie ang audience niya na nakisimpatiya pa sa kanya.

At bago magpatuloy sa game, isinigaw ni Willie ang di inaakalang lalabas sa labi niya: "Eat Bulaga tayo!" (report from PEP.ph)