Tuesday, March 29, 2011
DOJ: Lacson, 'di mapipilit magbulgar ng detalye
AMINADO si Justice Secretary Leila de Lima na hindi maaaring obligahin si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ihayag kung sino ang Philippine cdonsul na nag-isyu sa kaniya ng travel documents.
Ayon kay De Lima, hangga’t wala pang kaso ay hindi maaaring pilitin ang senador na ihayag ang mga detalye hinggil sa pagtatago.
Sinabi ng kalihim na maraming opsyon na siyang pinag-aaralan sa ngayon, kabilang na rito ay ang pakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang alamin ang hinggil sa pagkakakilanlan ng consul na nagbigay ng travel documents kay Lacson.
Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na hindi pa lusot ang Bureau of Immigration sa akusasyong nagkulang ito sa mga hakbang upang hanapin ang senador.
Ang nasabing travel documents ang ipinakita ni Lacson sa halip na pasaporte kaya hindi matukoy ng mga awtoridad kung saan talaga nagmula ang senador. (ulat mula kay Teresa Tavares/Remate)