Sunday, August 15, 2010

Glenn Cañones, miyembro na ng PC?

(UPDATE) Nakakagulat ang balita na si JMK-DANN / Studio Gwapings talent Glenn “Carlos Miguel” Cañones ay naging miyembro na ng Personal Collection.

Ayon sa aming nakalap, inalok ni off-cam talent Hazel Flores ang pagiging miyembro ni Glenn dahil kailangang kumita sa panahon ng kagipitan.

Ikinagulat ng JMK-DANN ang balitang ito, at agad naman ito’y tinanggap sa desisyon. Walang sinabi sa patakaran ng JMK-DANN at Studio Gwapings Davao na bawal itong maging miyembro ng isang ‘direct selling’ company.

Matatandaang si Roberto Manalag ay naging miyembro noong Hulyo nitong kasalukuyang taon. Patuloy na nakatutok ang JMK-DANN sa balitang ito. (mula sa JMK-DANN Official Talent Update Blog)

Halima Magarao, magbabakasyon para sa Ramadan

(UPDATE) – Si JMK-DANN production assistant / off-cam staff Halima Magarao ay magbabakasyon sa kanilang hometown para sa pagdiwang ng ‘Ramadan’.

Inaasahang babalik si Halima sa Setyembre pagkatapos ng Ramadan. Ang ‘Ramadan’ ay isang pagdiriwang ng mga Muslim para ialay kay Allah (Diyos ng mga Muslim) sa mga Ka-Musliman sa mga komunidad ng Pilipinas pati na sa buong mundo. (mula sa JMK-DANN Official Talent Update Blog)

Roberto Manalag, PC member na



(UPDATE) Noong Agosto 9, 2010, bumalik si Roberto Manalag o “Dagul” sa Davao para mag-update sa Personal Collection – Matina Branch.

Nadatnan naming bumibili si Dagul ng mga produkto ng Personal Collection habang may dalang listahan.

Sinabing kababalik lang ni Dagul galing Tagum dahil nagta-trabaho siya sa pagbebenta ng mga produkto. Sinabi rin niya na hindi masyadong nag-check ng kanyang Facebook dahil busy siya sa trabaho.

Matatandaang naging miyembro si Dagul noong Hulyo 2010 sa Matina Branch ng Personal Collection. Patuloy na nakatutok ang JMK-DANN sa kalagayan ni Dagul.

Flordelina Macabiog, nasa Luzon na

(UPDATE) Kamakailan lamang, lumipat na si JMK-DANN ex-talent Flordelina Macabiog at na-assign sa Luzon matapos lisanin ang kanyang trabaho sa Cebu.

Maayos ang kalagayan ni Macabiog sa Luzon sa ngayon, pero patuloy pa ring naalala ang mga kaibigan niya na naiwan sa Davao, Bohol, Cagayan de Oro at sa Cebu.

Kampante naman si Macabiog sa kinalalagyan niya sa kanyang trabaho at pagdestino sa Luzon. Patuloy na nakatutok ang JMK-DANN team sa mga aktibidad ni Macabiog. (mula sa JMK-DANN Official Talent Update Blog)